Tanggapin natin na may mga tao na kahit kakahiwalay pa lang ay maghahanap agad ng iba. Tandaan mo, hindi mo kailangang sayangin ang oras mo sa paghahanap ng boyfriend/girlfriend, kasi sa totoo lang, kahit wala yan, magiging masaya ka pa rin naman. Sinasanay mo lang ang sarili mo na aasa sa ibang tao, kaya kapag nawala, masasaktan ka at mahihirapan ka, kapag okay kana, maghahanap ka na naman ng panibago. Diba panget pakinggan? Magiging masaya ka naman kahit ikaw lang mag-isa, o kaya kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya. Saka kana maghanap ng taong mamahalin mo, kung sigurado kana na siya na nga.
…

